Toni Gonzaga naantig kay Herlene ‘Hipon Girl’ Budol, ibibigay dito ang kikitain sa kanilang video
Matapos ang kanilang panayam, napgdesisyunan ni Toni Gonzaga na ibigay kay Herlene ‘Hipon Girl’ ang kikitain ng kanilang video.
Sa latest episode ng ‘Toni Talks’ ni Toni Gonzaga ay si Hipon Girl ang kanyang naging guest.
Dito ay inilahad ni Hipon ang mga pangyayari sa kanyang buhay ngayon. Aniya, sa ngayon ay back to zero na siyang muli ng dahil sa pandemya.
Buti na lamang daw ay nag-ipon siya ngunit ang one hundred thousand ay hindi naging sapat.
Dahil ayon kay Hipon ay nakasandal sa kanya ang buo niyang pamilya.
Dumating pa daw ang panahon na ayaw na niyang magpakita sa kanyang pamilya ng maubos ang kanyang ipon.
ANG PROBINSYANO FULL HD
Good morning, mga Batang Maynila!
Nagpapatuloy po ngayong araw ng Linggo, July 25, ang COVID-19 MASS VACCINATION sa lungsod.
Mag-ingat po tayong lahat papunta sa ating vaccination sites. Paghandaan po natin ang maulan na panahon.
MAHALAGANG PAALALA po para sa lahat:
Idaraos po ang pagbabakuna hanggang 7pm. Hinihikayat namin ang lahat na magtungo sa ating vaccination sites sa iba pang mga oras upang makaiwas sa siksikan. Nais po naming matiyak ang kaligtasan ninyo.
Hindi na rin po tatanggap ng mga magpapabakuna ang Lucky Chinatown Mall, SM Manila, at SM San Lazaro matapos nitong maabot ang sapat na bilang ng mga indibidwal na tatanggap ng kanilang first dose.
Isasagawa po ang FIRST DOSE vaccination ng mga kabilang sa A1, A2, A3, A4, at A5 priority groups sa apat na mall sites.
Kasabay nito ay mayroon ding FIRST DOSE vaccination para naman sa mga kabilang sa A2 at A3 priority groups na gaganapin 18 school sites.
Para po sa lahat ng magpapabakuna, ipakita lamang po ang inyong printed waiver form o QR code para sa verification.
Dalhin din po ang inyong ID at huwag kalimutan ang pagsunod sa minimum health protocols pagdating sa vaccination site. Maraming salamat po.
Manila, God first! ☝️ —Mayor Isko Moreno Domagoso
Comments
Post a Comment